Tuesday, November 3, 2015

Mga Aspekto ng Tunay na Pagsisisi

Last week six young adults from Higher Rock embarked on a short-term mission to Palawan. I'll probably write another post about the whole experience, but for now I want to share what I taught in the youth camp of Sagpangan Evangelical Church.

Christians speak of 'attitudes,' like an attitude of prayer, or an attitude of worship. This means there are certain things that are to be 'done' habitually and constantly. One of those things is repentance. Since we are constantly committing new sins, we must also constantly be repenting. Otherwise, greater obedience will lead only to pride, rather than a humble dependence upon God.

Psalm 51,
written by King David, is a classic text on true repentance. Here, I share with you (in Tagalog) five marks or characteristics of repentance.


#1 – Pagkilala sa Diyos

“Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,
at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin.”

Maraming nasaktan si David dahil sa kasalanan niya. Paano nakapagsalita nang ganito si David? Hindi niya binabalewala ang mga tao, pero kinikilala niya na una sa lahat at higit sa lahat, ang kasalanan niya ay laban sa Diyos.
 

Pinapakita nito na ang tunay na pagsisisi ay nakabase sa pagkakilala sa Diyos. (Cf. Psalm 51:1, 4, 11, 17)

Madaming mga dahilan kung bakit malulungkot ang tao dahil sa kasalanan niya.
Hiya sa ibang tao o sa sarili. (Nanggagaling ito sa mataas na tingin sa sarili.)
Nabibigatan siya sa masasamang dulot ng kaniyang kasalanan.


Walang masama sa mga dahilang ito, pero hindi po ito aabot sa tunay na pagsisisi. Ang taong nagsisisi talaga ay nalulungkot dahil sinuway niya ang kalooban ng Diyos.


#2 – Pagkilala ng Makasalanan sa Mapanganib Niyang Kalagayan.


“Maawa ka sa akin… ayon sa iyong tapat na pag-ibig”


Hindi magsisisi ang tao kapag hindi pa niya nakikita ang panganib na dinadala sa kaniya ng kasalanan (Cf. Psa. 51:4, 8, 10, 11, 12). Kung hindi desidido ang tao na tumalikod sa lahat ng kasalanan, imposible na magagawa niya ito. At hindi magiging desidido ang tao kapag hindi niya nakikita ang panganib sa kaluluwa niya.


 #3 – Pagsang-ayon ng Makasalanan sa Diyos Tungkol sa Kaniyang Mga Kasalanan.


“Paglabag,” “kasalanan,” “kabaluktutan,” “kasamaan.”

Apat ang salita na ginamit ni David para tukuyin ang kasalanan. Ang bawat salita ay nagpapalitaw ng ibang aspekto ng kasalanan, at pinapakita nito na malalim ang pagkaintindi ni David sa mga kasalanan niya.



#4 – Pagtitiwala Sa Kabutihang-Loob ng Diyos

May limang kahilingan si David sa Diyos, na labing-apat na beses niyang binanggit sa Panginoon. Hindi ba nahiya si David sa Panginoon? Alam na natin na hiyang-hiya nga siya, pero sa dulo, nanaig ang pagtitiwala niya sa kabutihang-loob ng Diyos.

Ang totoong pagsisisi ay nagtitiwala sa Panginoon – na magpapatawad Siya, na itutuwid Niya muli ang mga landas ng taong nagsisisi. 



#5 – Pagmamahal sa Diyos na Nakikita sa Pagsunod


“Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga sumusuway ang mga lakad mo; at ang mga makasalanan ay manunumbalik sa iyo… ang aking dila ay aawit nang malakas tungkol sa iyong katuwiran.”

Bahagi ng totoong pagsisisi ay ang determinasyon na sumunod sa Panginoon. Gugustuhin din natin ang gusto ng Diyos para sa atin. Gusto ng Diyos na makilala natin Siya, at luwalhatiin natin Siya.

Sumusunod tayo sa Diyos bilang mga indibidwal. May kanya-kanya tayong relasyon sa Diyos, kanya-kanyang mga tungkulin mula sa Diyos.

Sumusunod din tayo bilang magkapatid sa Panginoon. Ang lahat ng mananampalataya ay bahagi ng iglesya. Nakatali dito ang buhay niya, at ito ang pamilya niya sa habang-panahon.


No comments:

Post a Comment